Bataan disaster preparedness summit

BALANGA CITY, Bataan — Nagkaisa kaninang umaga ang mga local chief executives ng Bataan para sa pagbuo ng isang local disaster risk reduction management program para sa mabilis na pagtugon at paghahanda sa kalamidad sa unang araw ng isinagawang 2-day Provincial Summit on Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) sa Crown Royale Hotel dito.
Ayon kay Region 3 Director Josefina Timoteo, ng Office of Civil Defense (OCD) at Chairperson ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council (RDRRMC), ang Bataan ang kauna-unahang probinsya na nagsagawa ng provincial summit bilang tugon sa direktiba ni NDRRMC Chairperson at Defense Secretary Voltaire Gazmin para palakasin ang papel at responsibilidad ng mga local chief executives upang maging epektibo at mapahusay ang paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan partikular na sa panahon ng kalamidad at sakuna.









