banner

Bataan disaster preparedness summit

Written by
  • Nerlie L.
  • 9 years ago

Sinabi ni Timoteo na ito ang nakitang kulang sa naging pagtugon ng pamahalaan noong kasagsagan ng super typhoon Yolanda noong nakalipas na taon na matinding nanalasa sa bansa partikular na sa Tacloban, Leyte.

Target umano nila na ang lahat ng probinsya ay magkaroon ng LDRRMO hanggang sa 2nd quarter ng 2014.  

Ayon kay Bataan Vice Gov. Efren Pascual, mahalaga ang maging maagap sa paghahanda para sa anumang kalamidad para matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

Isang declaration of commitment o panunumpa na pinangunahan ni Pascual kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaang panlalawigan, mga alkalde sa iba’t ibang bayan sa Bataan, at mga kasapi ng local DRRMC ang isinagawa kasabay ang paglagda ng mga ito sa declaration of commitment board.

Dumalo rin sa Summit ang mga kinatawan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Civil Service Commission (CSC) Provincial Director Emily Reyes, Grace Ortiz ng Department of Budget and Management (DBM), Commission on Audit (COA), PHIVOLCS, PAG-ASA, Department of Science and Technology (DOST), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire and Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Army (PA).

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares