Ika-116 na Araw ng Kalayaan, ipinagdiwang ng mga Bataeños





Mainit na ipinagdiwang ngayong umaga ang ika-116 na Araw ng Kalayaan dito sa Bataan. Pinasimulan ang pagdiriwang sa pagpasok ng mga panauhin , mga punong tagapamahala ng mga sangay ng pamahalaan at mga pinunong halal ng bayan. Sinundan ito ng pagpasok ng Pambansang Watawat na dala ng mga kaanib ng 305th CDC Philippine Army. Matapos ang Awit Panalangin at pagtataas ng Pambansang Watawat, pinangunahan naman ni P/Supt. Audie Atienza, Panlalawigang Tagapamatnubay ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa Bataan ang Panunumpa sa Watawat. Kasunod nito ang Panunumpa ng Lingkod Bayan na pinangunahan naman ng isang kawani mula sa Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Bataan.










