Joint anti-drug summit idaraos ng Lungsod ng Balanga at Probinsya ng Bataan

BALANGA CITY, Bataan —- Pursigido ang lokal na pamahalaan ng Balanga na tuldukan na ang perwisyong idinudulot ng paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot kaya isang anti-drug summit na pangungunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isasagawa dito bukas (Hunyo 27) katuwang ang pamahalaang panlalawigan.
Ayon kay City Mayor Jose Enrique Garcia III, tulad ng ibang lungsod at bayan, ang patuloy na lumalalang problema sa iligal na droga ang malaking hadlang para maging maayos ang kalidad ng pamumuhay sa isang komunidad kaya naman isinulong nito ang joint anti-drug summit ng Balanga City at ng probinsya ng Bataan upang tuluyang mapuksa ang perwisyo at panganib ng droga sa lungsod at sa buong probinsya.











