Risk ownership seminar idinaos sa bayan ng Pilar
PILAR, Bataan —- Kaugnay ng pagdiriwang ng National Disaster Consciousness month, sinimulan ng lokal na pamahalaan ng bayang ito ang pagdaraos ng isang Risk Ownership Seminar na tutukoy sa mga kabahayan na malapit sa dagat at ilog o mga residente ng bawat barangay na kailangang sagipin sa panahon ng kalamidad.
Ayon kay Pilar Mayor Alice Pizarro, ang nasabing seminar na pinangunahan ni Engr. Hazel de Guzman ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ay bilang pagtugon sa tema ng national disaster consciousness month na ipinagdiriwang ngayong buong buwan ng Hulyo na “Kahandaan at kaligtasan ng pamayanan, pundasyon ng kaunlaran.”










