ABUCAY, Bataan – Ikinatuwa ng mga residente ng Abucay ang pagpapagawa ng bagong munisipyo sa 3 ektaryang lupa sa kahabaan ng Mc.Arthur Highway sa may harap ng palengke.
Sinabi ni Engr. Ernesto Vergara, Municipal Administrator ang itatayong bagong Munisipyo ay may dalawang palapag; ang ground floor ay may sukat na 1,200 sq. meters habang ang ikalawang palapag ay may sukat na 935 sq.meters.
Idinagdag pa ni Engr. Vergara na maaring gawing museum o library ang lumang munisipyo.
Kaugnay nito pinasalamatan naman ni Mayor Liberato “Pambato” Santiago ang mamamayan ng Abucay at si Governor Albert Garcia dahil sa suportang ibibigay nito.