Exposure ng mga bata sa internet at social media, dapat bantayan — Sen. Marcos

“We should be more proactive in our efforts. In this fast-paced and perilous period of our civilization, we cannot afford to just remain passive and unwitting, especially since wellbeing and safety of our children are very much at stake,”  ani Marcos.

Ayon kay Marcos,  dahil sa mabilis na pagbabago sa ating lipunan, ang papel ng mga magulang kasama na ang ‘substitute parents’ at ‘special parents’ sa pagbabantay at pag-aaruga sa kanilang mga anak ay nagiging mabigat at malaking hamon para protektahan ang mga ito sa mga panganib na dala ng buong mundo.

“Because of technological developments and globalization now, when our children go out of the house, it seems that of all of a sudden they find themselves out of our hands and totally and dangerously exposed to the entire world… Hindi lamang grades ng ating mga anak ang dapat nating binabantayan. Ngayon, napakarami pang bagay na kailangan nating isipin at bantayan!,”  diin pa nito.

Anya, dahil sa pagkahilig sa internet at social media ng mga kabataan ay madaling ma-expose ang mga ito sa panganib gaya ng cyber-pedophilia at cyber-pornography na hindi napapansin ng kanilang mga magulang o di-kayaý sadyang  pinababayaan lamang ng kanilang magulang.

Dahil din sa social media, marami sa mga kabataan ang nabibiktima ng cyber-bullying kung saan batay sa ulat ng DepEd ay umaabot na sa 1,190 kaso ng bullying ang naganap sa buong bansa sa nakalipas na pasukan.

“These are just the reported cases, certainly a lot of bullying victims are cowed into silence because of fear of further aggression from their bullies or even public ridicule. In the process, the psychological trauma could get repressed, and could lead to more serious psychiatric problems,”  dagdag pa ng senador.

Binigyan-diin pa nito na upang mapangalagaan at masiguro ang kaligtasan ng mga anak at mga estudyante ay kailangang maging mapagmatyag ang lahat ng mga magulang, guro at pamunuan ng eskwelahan.