Isinagawa ang isang makabuluhang dayalogo sa pagitan ng mga opisyal ng Bataan Peninsula State University (BPSU) at ni re-elected Congressman Jett Nisay ng Pusong Pinoy Party List kamakailan sa BPSU Main Campus.
Pinangunahan ni BPSU President Dr. Ruby B. Santos-Matibag ang pagpupulong na layuning palakasin ang mga programa sa pagpapaunlad ng mga estudyante at imprastruktura ng unibersidad.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga pangunahing pangangailangan ng BPSU, kabilang ang panukalang bagong site para sa Bagac Campus, pagpapa-aircon ng Bataan Youth Center sa Balanga Campus, at konstruksyon ng tatlong-palapag na Science Building sa Main Campus. Nagpahayag ng suporta si Cong. Nisay sa mga panukalang ito at tiniyak din ang patuloy na insentibo para sa mga varsity teams ng unibersidad.