Masigasig na kampanya vs ‘matamis’ sa Mariveles

Masigasig na kampanya vs 'matamis' sa Mariveles

Nagiging masigasig ang kampanya ng lokal na pamahalaan kontra mga matatamis, o sobrang matamis na pagkain at inumin.

Ang kampanya para sa magandang kalusugan ay pinaigting ng bayan ng Mariveles, kasunod ng mga ulat ng Department of Health na pabata na nang pabata ang nagkakasakit ng diabetes sanhi ng sobrang pagkain ng matamis at pag-inom ng softdrinks.

Dahil dito, sa first oversight hearing ng Sangguniang Bayan ng Mariveles sa pangunguna ni Kon. Ivan Ricafrente ng Committee on Health, tinalakay ang “Sweetened Beverages and Junk Food Regulation in School Ordinance of 2024” upang isaayos ang pagpapatupad nito para sa kalusugan ng mga mag-aaral.

Gayun din, nagkaroon ng public hearing ukol sa “Healthy Workplace Setting Ordinance of 2025” kung saan pinag-usapan ang mga hakbang upang maisulong ang ligtas at maayos na kapaligiran para sa mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Mariveles.

Leave a comment