Mababa umano ang cost of operation ng electric vehicles kumpara sa gasolina o diesel, ayon kay Bataan Gov. Joet Garcia at posible rin umanong maiwasan na ang pagtaas ng pasahe sa mga pampublikong transportasyon.
Sinabi ni Gov. Garcia sa “InvestBataan: EV Roadshow 2026” na ginanap sa Vista Mall noong Biyernes na marami na rin umanong gustong sumama sa kampanya ng pamahalaan na magkaroon ng maraming e-vehicles para mapababa ang gastusin sa enerhiya.
Ayon pa sa gobernador, magsisimula na sa Hunyo ang programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa libreng sakay sa mag-aaral sa pampubliko at pribadong paaralan.
Sa ngayon, sabi pa ng pinunong-ehekutibo, isasagawa ang pag-upgrade ng mga sasakyan at paglalagay ng maraming charging stations sa mga estrahetikong lugar ng Bataan.