Sa kabila nang maulang panahon, personal na nagsagawa ng inspeksyon si Cong. Gila Garcia sa ilang pasilidad at barangay sa bayan ng Dinalupihan.
Ayon sa masipag na Kinatawan ng Ikatlong Distrito, layunin ng kanyang pagbisita na masusing tingnan at pag-aralan ang kalagayan ng iba’t ibang pasilidad at imprastraktura sa mga barangay upang malaman kung ligtas ang ating mga mamamayan. Kabilang sa mga pasilidad na pinuntahan ay mga drainage system, barangay facilities, day care centers, evacuation centers at mga lumang tulay.