BOC at AFAB, pinagtibay ang ugnayan sa 0perasyon ng pantalan sa Bataan

BOC at AFAB, pinagtibay ang ugnayan sa 0perasyon ng pantalan sa Bataan

Malugod na tinanggap ni Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) Administrator at CEO Hussein Pangandaman ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang courtesy call noong Abril 28, 2026.

Pinangunahan ang pagbisita ni District Collector Atty. Kriden F. Balgomera kaugnay ng kanyang bagong talagang posisyon sa Port of Limay, kasama si Subport Collector Atty. Marc Anthony C. Patriarca, na nagsisilbi ring Acting Deputy Collector for Assessment at Subport Collector ng Subport of Mariveles. Layunin ng pulong na higit pang palakasin ang umiiral na ugnayan sa pagitan ng BOC at AFAB.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga prayoridad upang matiyak ang maayos na daloy ng mga kalakal, mapahusay ang mga proseso sa regulasyon, at higit pang mapabuti ang trade facilitation sa loob ng Freeport Area of Bataan.

Leave a comment