Anti-smoking ordinance, ipatutupad sa Pilar

   “Matagal na tayong may ordinansa na nagbabawal sa paninigarilyo. Ang problema lamang ay ang implementasyon,” saad ni Pizarro sa isang panayam. Aniya, political will din ang kailangan para masiguro ang matagumpay na implementasyon ng kanilang anti-smoking ordinance lalo pa’t mayroon ding mga opisyal ng bayan at barangay ang hindi pa rin tumitigil sa kanilang paninigarilyo.

   Matatandaang nagpulong kamakailan sa pangunguna ng Provincial Health Office (PHO) ang mga kasapi ng ABET (Alis Bisyo Eliminate Tobacco) Team kasama ang iba’t ibang Provincial Smoke Free Task Force member-agencies para sa mahigpit na implementasyon ng smoke-free ordinance sa buong Bataan.

   Upang ipakita na handa nilang tuparin ang kanilang pangako na ipatutupad ang nasabing ordinansa laban sa paninigarilyo, lumagda ang bawat kasapi ng task force na kinabibilangan ng League of Municipalities, Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Education (DepEd), Philippine National Police (PNP), BACFETODA at Bataan Provincial Government  sa commitment wall para sa Smoke Free Bataan.

   Hangad din ng nasabing grupo na makatanggap ng Red Orchid Award mula sa Department of Health (DOH) para sa mahusay na implementasyon ng 100% smoke free environment sa buong lalawigan.