LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Umabot sa P1.3 milyon ang kinita ng may 73 exhibitors na lumahok sa katatapos na Diskwento Caravan sa Plaza Mayor de Balanga nitong ika-17 hanggang ika-19 ng buwang kasalukuyan.
Ayon kay Provincial Director Nellin Cabahug ng Dapertment of Trade and Industry (DTI), maraming magulang ang nasiyahan sa nasabing caravan dahil naranasan nila na bumili ng sapatos na gawa sa Marikina, bag na gawang Mariveles, uniforms, school supplies, organic foods, processed fish products, home decors at iba pang basic needs sa murang halaga lamang.