Kaugnay nito, inanyayahan ni Bataan Gov. Albert Garcia ang mga guro, magulang, opisyal ng pamahalaan at volunteer organizations na makibahagi sa Brigada Eskwela ng DepEd na magsisimula ngayong Mayo 19 hanggang Mayo 24 bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa may 46,000 public schools sa buong bansa sa darating na Hunyo 2.
Magsasama-sama ang mga volunteers mula sa iba’t ibang sektor para sa pagkukumpuni sa mga butas na bubong ng mga silid-aralan, sirang upuan at mesa at pagtitiyak na ligtas ang mga linya ng kuryente ng mga pampublikong paaralan bukod pa sa pagpipintura nito.
Ayon kay Garcia, kailangang pairalin ng bawat isa ang ispiritu ng Bayanihan para na rin sa kapakapanan at kaligtasan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagdadala ng mga gamit panglinis, pintura at iba pang kasangkapan para sa gagawing minor repairs at maintenance works sa mga paaralan.
Pangungunahan naman ni DepEd Secretary Bro. Armin Luistro ngayong Lunes ang Brigada Eskwela national kick-off ceremony and caravan sa isang paaralan sa Region VI o Region VIII na labis na sinalanta ng super typhoon Yolanda. Ang nasabing kick-off ceremony ay sabayang isinasagawa sa bawat rehiyon at school divisions sa buong bansa.