Health

???. ?????? ??????? ?? ????? ?? ?????? ?? ???????

0

Sa pagkumpirma ng DOH sa unang positibong kaso ng COVID 19 sa lalawigan, agad na umaksyon si Gov. Garcia upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa buong lalawigan.

Sa media briefing na ginanap noong Sabado, sinabi ni Gob. Garcia na suspindido na ang mga klase sa lahat ng antas, both public and private sa buong lalawigan nang sa gayon ay hindi ma-expose at magkahawahan ang ating mga mag aaral.
Pinulong na rin ang mga liderato ng iba’t ibang sekta ng relihiyon at hinikayat na makiisa sa panawagan ng Pamahalaan na hangga’t maari ay huwag na munang magdaos ng mga malakihang pagtitipon at kung maari ay gumamit na lang muna ng makabagong teknologiya para sa kanilang mga gawain.
Hiningi rin ni Gob. Garcia ang pang-unawa at pakikiisa ng mga mamamayan dahil ang mga ginagawang ito ay para sa kabutihan ng lahat.
Dagdag pa ng Gobernador “ang lahat ng mga hakbang na ito ay ginagawa hindi para maalarma ang publiko kung hindi para maagapan at mapigilan ang pagkalat ng virus at masugpo na ang problema at kung lumalabas na medyo OA tayo sa panahong ito, dapat lamang, at mas mabuti nang maging OA kaysa magkulang tapos magsisi tayo sa huli”.

?????-?? ??????????? ???????? ????? ?????

Previous article

???????????, ???????? ?? ?????-??

Next article

You may also like

Comments

Comments are closed.

More in Health