banner

Mga simpling parol, belen sa kubo tampok sa Bataan capitol

Written by
  • Perla E.
  • 9 years ago

BALANGA City, Bataan- Simple ngunit nakakaakit ang disenyo ng bagong bukas na Pamaskong dekorasyon sa Bataan capitol sa Balanga City .

Mga simpling parol at belen sa isang kubo ang tampok at nagsisilbing paalaala sa nalalapit na kaarawan ng pagsilang ng Panginoong Hesus.

Sa bungad pa lamang ay kapansin-pansin na ang mga Christmas lights na tila nag-uunahang mahulog habang mula sa malayo ay nasisindihan ang mga simpling parol na nakabitin sa ilang punong-kahoy at poste sa paligid at sa mismong harap ng kapitolyo.

Sa isang bahagi ng capitol ground ay natatanlawan ng mahinang liwanag ang isang  karaniwang belen sa loob ng isang kubo. 

Iniutos ni Gov. Albert S. Garcia ang simpling dekorasyon ng kapitolyo bilang simpatiya sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. 

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares