Mahigit 1.2 milyong puno at bakawan na ang naitanim ng Petron Corporation sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa ilalim ng programang Puno ng Buhay, bilang bahagi ng pagsisikap nitong mabawasan ang carbon emissions at mapangalagaan ang kalikasan.
Mula nang ilunsad ang programa noong 2016, katuwang ng kumpanya ang iba’t ibang organisasyon at mga volunteer na empleyado sa pagpapatupad ng reforestation at mangrove rehabilitation projects. Kabilang sa mga lugar na sakop nito ang Limay, Bataan; Obando, Bulacan; Ivisan, Capiz; at Hagonoy, Davao del Sur.
Ayon sa Petron, nakatutulong ang mga itinanim na kagubatan sa pagbabawas ng carbon footprint, pangangalaga ng biodiversity, at pagpapalakas ng kabuhayan ng mga komunidad. Sa pagdiriwang ng Environment Month ngayong Hunyo, muling pinagtibay ng kumpanya ang pangako nitong isulong ang isang mas luntian at sustenableng kinabukasan.