News

1 kilong plastic kapalit ng 2 kilong bigas

0

SAMAL, Bataan – Isa ito sa mga tumatak na insentibo ni Brgy. Captain Glenn Velasco ng Brgy. Tabing ilog, Samal, sa kanyang “Sulong Kalinisan” para sa pagpapatupad niya ng solid waste management sa kanyang barangay.

Ayon kay Brgy. Capt. Velasco, naisip niya ito bilang dagdag na pamamaraan sa maayos na operasyon ng segregasyon ng kanilang basura para ipunin ng kanyang mga ka-barangay ang mga plastic na “supot o sando bag” na galing sa palengke, na sa halip na itapon sa ilog at kung saan-saan ay makabawas na rin ito sa hinahakot nilang basura.

 

Isa sa mga nakapanayam ng 1Bataan na residente, si Aling Teresa, sinabi nitong, talaga umanong iniipon nila ang mga “sando bags” dahil ang kapalit nitong 2 kilong bigas ay malaking tulong para sa pagkain ng kanyang pamilya.

 

Samantala, sinabi ni Brgy. Capt. Velasco na ang nasabing pamamaraang ito ay naaayon sa kasabihang “shooting 2 birds with 1 stone,” na kung saan natututunan ng kanyang mga ka-barangay ang pag-iipon ng basura sa tamang lalagyan, pagkakaroon ng obligasyon at disiplina gayundin partisipasyon sa isinusulong nilang kalinisan sa barangay na may insentibo, na hindi na nila kailangang manghingi kundi sumunod lamang sa ipinatutupad na ordinansa.

 

Nanalo na ng National Award ang Brgy. Tabing Ilog bilang isa sa mahuhusay na barangay sa buong Pilipinas dahil sa pinakamagandang operasyon ng Solid Waste Management sa barangay level, kung saan ang segregasyon at operasyon ng basura ay naipatutupad pa rin nila hanggang sa ngayon.

 

Mahirap isustena, ayon pa kay Brgy. Capt. Glenn Velasco, pero kailangang ipatupad ang batas gayundin matutunan ng bawat isa ang kanilang obligasyon sa pagtatapon ng basura dahil ang problemang ito ay hindi lamang problema ng barangay kundi ng buong bayan.

 

Bukod sa 1 kilong plastic kapalit ng 2 kilong bigas na insentibo, malaking tulong din umano sa kanila ang pagkakaroon ng CCTV para i-monitor ang mga “pasaway” gayundin ang kanilang “no segregation, no collection” policy, na kung saan ang mga basura kada bahay, ay ilalabas lamang nila sa takdang oras at takdang araw ng koleksyon ay kinakailangan din na nakalagay sa mga plastic bag para sa “recyclable,” non-biodegradable at isang timbang may takip para sa kitchen waste (na siya nilang ginagawang compost) na ipinagbibili sa mga magsasaka para maging fertilizer sa kanilang mga pananim.

DENR Region 3 commends PENRO Bataan for anti-illegal drugs efforts

Previous article

ELA-PDC joint marathon meeting

Next article

You may also like

Comments

Comments are closed.

More in News