-
Nerlie Ledesma / 12 years
- 0
- 2 min read
BALANGA CITY, Bataan — Hinikayat ni City Mayor Jose Enrique Garcia III ang publiko na makipagtulungan sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagsasabi ng kanilang nalalaman ukol sa mga illegal drug activities sa kanilang lugar upang masugpo ang lumalalang problema sa droga.
Sa ginanap na joint anti-drug summit ng lokal na pamahalaan ng Balanga at pamahalaang panlalawigan ng Bataan, sinabi ni Garcia na mabigat na problema ang pagpigil sa paggamit ng iligal na gamot subalit kung ang lahat ay magtutulungan ay posible itong masolusyonan.
“Madalas kasi na pagdating sa isyu ng droga nahihiya tayong pag-usapan o natatakot tayong bigyan ito ng pansin. Imbes na itago natin ang ating nalalaman, mas mabuti kung ilalantad natin ito para masolusyonan at makatulong sa isasagawang barangay clearing operations,” ani pa nito.