banner

Anti-drug summit

Written by
  • Nerlie L.
  • 9 years ago

Umaasa rin ang alkalde na kung nagtagumpay ang lungsod ng Balanga para ipatupad ang 100% smoke-free environment at maging hall of famer sa Red Orchid Award ng Department of Health (DOH), ay magtatagumpay din ito sa kanilang anti-drug campaign dahil mas malala ang epekto na idinudulot ng paggamit ng iligal na droga na kadalasan ay humahantong sa karumal-dumal na krimen.

Kaugnay nito, pinapurihan ni Usec Arturo Cacdac Jr., director general ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), si Garcia dahil sa tamang direksyon na tinutumbok nito na inumpisahan sa pagbabawal sa sigarilyo at ngayon ay ang pagbabawal sa paggamit ng droga.

Anya, mahalaga ang papel na ginagampanan ng local government units (LGUs), barangay at pulisya sa pagsugpo sa illegal drugs kaya naman ang lahat ng local executives ay inaatasan na magbuo ng anti-drug abuse council sa bawat barangay at munisipyo para matukoy ang mga lugar na mayroong user o pusher ng droga at mabilis na masawata ito.

Sinabi naman ni Bataan Gov. Albert Garcia na mahalagang pagkakataon ang pagdaraos ng anti-drug summit para masugpo ang illegal drugs at umaasa siya na ang lahat ng dumalo ay makikilahok sa programa ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

“The threats are always there. Dapat lagi tayong alerto at ma-energize ang ating focus para masugpo ang problema sa illegal drugs at sana lahat ay mag-participate,” sambit pa nito sa kanyang mensahe.  

Sinabi naman ni Bataan PNP provincial director P/Senior Supt. Audie Atienza na nananatili pa rin nasa ‘manageable level’ ang drug situation sa lalawigan kung saan bukod sa shabu at marijuana ay wala naman silang namo-monitor na nakapasok na rin ang cocaine at ecstasy sa mga entry points sa Bataan. 

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares