Pinangunahan ni Mayor Tonypep Raymundo, Vice Mayor, Rex Fuster, mga kaanib ng Sangguniang Bayan at mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Orion ang pagdaraos ng kanilang taunang Sportsfest, na ginanap sa kanilang KAMALIG o Kanlungan ng mga Mamamayan at Lingapan ng mga Gabay sa Barangay Wawa.
Ayon kay Mayor Tonypep Raymundo, layunin ng nasabing sportsfest na bigyan ng pagkakataon ang mga kawani ng LGU na sandaling kalimutan ang kanilang mga trabaho, mawala ang stress at magpokus sa masayang pagdiriwang na may iba’t ibang palaro at aktibidad para mapatatag pa ang kanilang samahan at magkaroon ng camaraderie.
Tampok ang mga larong basketball, volleyball, tug-O- war, sack race, last man standing, luksong baka at Maria went to town, na talaga namang nagbigay ng saya sa lahat.