Pamahalaang Bayan ng Pilar, nakiisa sa pagdiriwang ng 33rd National Children’s Month

Pamahalaang Bayan ng Pilar, nakiisa sa pagdiriwang ng 33rd National Children's Month

Ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Pilar ay nakiisa sa pagdiriwang ng 33rd National Children’s month na may temang, “OSAEC- CSAEC ( Online Sexual Abuse or Exploitation of Children- Child Sexual Abuse or Exploitation of Children) Wakasan; Kaligtasan at Karapatan ng Bata, Ipaglaban!

Isinagawa ang nasabing programa sa panahon ng seremonya sa pagtataas ng bandila noong nakaraang lLnes, kung saan ay sabay- sabay na binigkas nang lahat ang Panatang MAKABATA bilang pangako na protektahan at ipaglaban ang karapatan ng bawat batang Pilipino.

Sinabi naman ni Mayor Charlie Pizarro na ang nasabing pagdiriwang ay isang paalala na talagang pag-asa ng bayan ang mga kabataan, kung kaya’t tungkulin  natin na tiyakin na sila’y ligtas at mayroong  mga oportunidad sa pag unlad.

Leave a comment

Live Search