Pangulong Ferdinand Marcos Jr, bumisita sa MNHS

Pangulong Ferdinand Marcos Jr, bumisita sa MNHS

Sa kanyang pagdating sa bayan ng Mariveles, unang binisita ni Pangulong Bongbong Marcos kasama sina DEPed Secretary Sonny Angara at Bataan Governor Joet Garcia, ang bagong Prefabricated Classroom ng Mariveles National High School- Cabcaben Annex (Alas-asin).

 

Sa nasabing pagbisita ay binigyang-diin ang pag-gamit ng Xepto Learning Management System (XLMS) kasabay ang pamamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Learning Tablets para sa mga mag aaral.

 

Nagkaroon din ng pagkakataon si Pangulong Marcos jr. na maobserbahan ang isinasagawang Medical Mision ng DEPed YAMAN ng KALUSUGAN (YAKAP) at kalinga para sa mga mag-aaral. Matapos ito ay nagtuloy sina Pangulong Marcos kasama pa rin sina Sec.Angara at Gov Joet Garcia, sa Prefabrication Plant ng Corner Stone Corp sa Brgy. Ala-asin.

 

Ang nasabing pasilidad ayon kay Gov. Joet, ay gumagawa ng mga pader, sahig at bubong na ginagamit para sa mas mabilis na konstruksyon ng mga silid-aralan.

 

Sa ganitong pamamaraan, ay napadadali ang pagtatayo nang mga matibay at dekalidad na learning spaces bilang tugon sa lumalaking pangangailangan ng mga silid-aralan sa buong bansa.

 

Nakasama rin sa pagbisita ni Pangulong Marcos bukod kay Gov Joet Garcia sina Cong Abet Garcia, Cong. Gila Garcia, Mayor AJ Concepcion, Mayor Erik Martel ng Abucay, Mayor Richie David ng Limay, MNHS School Head Jerre Perello, Dr. Gerald Sebastian, mga guro, kawani ng Municipal Health Office at mga mag-aaral.

Leave a comment

Live Search