Petron, nagsagawa ng coastal cleanup at mangrove planting sa Limay

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Earth Month, nagsagawa ang Petron Corporation ng magkasunod na coastal cleanup at mangrove planting activities sa Alangan Mangrove Site sa Limay noong ika-16 ng Abril.

 

Ang mga nasabing gawain ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Yunit Pamahalaang Lokal ng Limay, Barangay Alangan, Philippine Coast Guard, at KAPABALI People’s Organization.

 

Layunin ng programa na mapalawak ang lokal na kagubatang bakawan at maibalik ang sigla ng baybayin malapit sa mga pasilidad ng Petron sa Limay. Bahagi rin ito ng pagsusulong ng pangangalaga sa yamang-dagat at paghahanda laban sa epekto ng climate change.

 

Mahigit 70 boluntaryo ang nakiisa sa pagtatanim ng 500 propagules ng bakawan sa naturang lugar. Kasabay nito, nagsagawa rin sila ng paglilinis sa dalampasigan upang alisin ang mga basura. Umabot sa 30 sako ng plastik at iba pang basura ang nakolekta sa isinagawang cleanup drive. Ayon sa Petron, ang mga gawaing ito ay suporta rin sa layunin ng Department of Environment and Natural Resources na pangalagaan ang kalikasan.

Leave a comment