Kampanya laban sa paninigarilyo

Naghigpit ang pamahalaang-bayan ng Pilar laban sa paninigarilyo upang mapangalagaan ang kalusugan ng mamamayan.

 

Ang kampanya na nakapaloob sa Municipal Ordinance No. 6, s 2026 ay nagbabawal sa paggamit, distribusyon o pagbebenta ng tobacco products at e-cigarettes sa bayan ng Pilar.

 

Ang mga lalabag sa naturang ordenansa ay papatawan nang kaukulang parusa at multa depende sa itinatadhana ng korte.
Ang naturang ordenansa ay inakda ni Kon. Dr. Kristel Mae P. Rivera, chair, Committee on Health and Social Welfare Sangguniang Bayan ng Pilar.

Leave a comment