banner

Alimango at Sugpo Festival, dinumog!

Written by
  • Zeny S.
  • 5 years ago

ORANI, Bataan – Makukulay na costume, malalakas na tunog ng tambol at masisiglang indak ng mga kabataan at mga mag-aaral na may temang “Alimango at Sugpo,” ito ang umakit sa napakaraming mamamayan ng Orani para saksihan ang kanilang Alimango at Sugpo Festival.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Bondjong Pascual na ang pagkakaroon at pagdiriwang ng ganitong selebrasyon ay bilang pagbibigay paalala sa lahat ng naninirahan sa bayan ng Orani na nag kanilang bayan ay naging sentro ng kalakalan ng alimango at sugpo, labing isang (11) taon na ang nakalilipas, na siyang ikinabubuhay ng nakararami sa kanilang mga kababayan.

Dagdag pa ni Mayor Pascual, na kung noon aniya ay dagat lamang ang pinahahalagaan dahil ito ang pinagmumulan ng ating kabuhayan, samahan umano natin ito ng iba pang yaman ng kalikasan para maabot ang vision ng Orani, na sa taong 2020 mapipili ang bayan ng Orani ng mga turista bilang isa sa limang (5) Eco-Tourism destinations sa Gitnang Luzon.

Nagtagisan ng galing sa street dancing showdown mga grupo ng mga mag-aaral sa elementary, Orani South Elementary School, Kaparangan Elementary School, Paraiso Elementary School, Orani North Elementary School, Pag-asa Elementary School, Holy Rosary Parochial Institute, Pantalan Bago Elementary School, Pantalan Luma Elementary School, Alikabok Elementary School at apat (4) na grupo mula sa high school, Orani National High School (Parang-parang), Orani National High School (Pag-asa), Academy of Queen Mary, Orani National High School (Main).

Halos hindi magkamayaw sa sigawan at palakpakan ang mga mamamayang nanonood sa nasabing Festival lalo na nang tawagin na ang mga nagwagi.

Ayon sa mga mamamayan, tagumpay ang pagkakaroon ng Alimango at Sugpo Festival dahil ito ang hudyat ng pagiging handa ng bayan ng Orani sa higit pang pagbabago.

Article Tags:
·
Article Categories:
Municipalities · News

Comments are closed.

Shares