Pinamunuan ni City Environment and Natural Resources Officer at City Agriculturist Bb. Nerissa Mateo ang muling pamamahagi ng may 1,000 basket, fishnet, bayong at plastic canisters kaninang alas 5:00 ng umaga sa Pamilihang Panlungsod ng Balanga. Nandoon ang cast ng programa ng GMA7 na Unang Hirit upang i-feature ang Balik-Basket, No to Single-Use Plastic Use project ni Balanga City Mayor Francis Garcia.
Para sa kasiyahan ng mga maagang mamimili na may dalang basket nagparaffle ang Unang Hirit at yung mapalad na nabunot ay may premyong isang malaking bayong na may lamang gamit sa pagluluto.
Kaugnay nito pinasalamatan ni Bb. Mateo ang lahat ng mga sumusuporta at nagpunta nang maaga sa palengke na may dalang basket.
Matatandaan na unang namahagi ang tanggapan ng CENRO ng 1,200 basket nitong nakaraang araw dito rin sa palengke at 400 basket sa palengke ng Cupang North.
Ang naturang programa ay naglalayong pangalagaan ang ating sa kalikasan.