Bataan Tourism Office, nagdaos ng Job Fair

Nagdaos ng Job Fair ang Bataan Tourism Office bilang pagdiriwang ng Tourism Month noong Ika-26 ng Setyembre na may temang “Tourism and Jobs, A Better Future For All” sa Bataan People’s Center..
Ayon kay Provincial Tourism Officer Ms. Alicia D. Pizarro, ang Job Fair ay naglalayong bigyan ng pagkakataon ang ating mga kababayang naghahanap ng trabaho.
Ipinahayag naman ni Sangguniang Panlalawigan Member Romano L. Del Rosario, Tourism Committee Chairman na magandang oportunidad ito para sa mga nangangailangan ng trabaho dito sa Lalawigan.
Labinlimang (15) locators ang lumahok sa nasabing Job Fair. Lumahok din sa pagdiriwang ang mga local government agencies na kinabibilangan ng SSS, Philhealth, Tesda, Pag-Ibig, DTI, at DOLE.
Kaugnay nito pinasalamatan ni Mr. Melchor A. Cui, OIC Peso Manager ang lahat ng mga lumahok sa naturangTourism Job Fair and Travel Mart.