banner

Byaheng Ambisyon, sa character change sinimulan

Written by
  • Zeny S.
  • 3 years ago

Sinimulan na ng administrasyon ni Mayor Aida Macalinao ng Samal ang pag-lulunsad ng “Yes to Cha- Cha” o “Yes to Character Change” sa iba’t- ibang paaralan sa bayang ito katuwang ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Jun Espino at mga empleyado sa pamamagitan ng pakikiisa nila sa mga flag raising ceremonies sa bawat paaralan.

Sa Samal National High School Senior High ay nagsalita at nangaral si Mayor Macalinao sa mga mag-aaral, guro at staff na sana umano ay may maganap na mga pagbabago sa bawat isa lalo na sa mga kabataan ng bagong henerasyon. Kasabay nito ang paglagda ng mga guro sa commitment wall at pamimigay ng pin para lagi nilang maalala ang “cha-cha”.

Ibinahagi din ni Mayor Macalinao ang ibat ibang priority projects na nakapaloob sa mga programa ng bawat paaralan, kabilang na dito ang pamimigay ng bagong sound system, television at pagawaing imprastraktura para sa lalo pang ikauunlad ng paaralan, guro at mag aaral.

Matatandaang nauna nang inilunsad ang Cha Cha sa buong Samal mula sa mga opisyal hanggang sa mga kawani, mga barangay officials, health workers, tanod, nutrition scholars at ibat iba pang sektor. Dahil nais ni Mayor Aida na maibalik ang dating mukha ng bayan ng Samal kung saan ang mga Samaleno ay may disiplina, may magandang pag uugali, may respeto at pagtutulungan sa kapwa.

Article Tags:
· · · ·
Article Categories:
Education · News

Comments are closed.

Shares