CAPITOL SQUARE BINUKSAN NA

Binuksan na sa madla ang bagong tayong Capitol Square sa may kahabaan ng Capitol Road Barangay San Jose Lungsod ng Balanga.
Sa unang araw dagsa ang mga mamimili na nagbabakasakaling makabili ng mga paninda sa murang halaga.
Ang Lungsod ng Balanga ang pangunahing dinadagsa ng mga mamumuhunan dahil tahimik at payapa, maging sa buong lalawigan, dahil sa  seguridad na ibinibigay ng mga kapulisan at sa mga namumuno sa pangunguna nina Bataan Governor Albert Garcia, 2nd District Congressman Joet Garcia at City Mayor Francis Garcia.
Kapag marami ang mga establisimyento na maaaring mabilhan ng mga produkto, maiiwasan ang monopolyo sa presyo ng bilihin bukod sa makapamimili pa kung saan gustong bumili ang mga tao.