banner

3 public schools sa Bataan, tumanggap ng computers mula sa NGCP

Written by
  • Nerlie L.
  • 9 years ago

 Sinabi naman ni Ernest Vidal, Corporate Communications Officer ng NGCP, na bukod sa Cayetano Elementary School, tumanggap din ng laptop, tablets at SD cards ang Balsik Elementary School at San Mateo Elementary School sa bayan ng Hermosa na bahagi rin ng kanilang corporate social responsibility sa mga lugar kung saan matatagpuan ang kanilang mga substations at transmission lines.

Anya, bukod sa computers, nagpapatayo rin ang NGCP ng classrooms, restrooms at covered court sa mga host communities.

Nagpasalamat naman ang mga opisyal ng barangay, mga guro at mag-aaral sa NGCP sa kanilang mga natanggap na tablets, laptop at mga notebooks dahil malaking tulong ito para mapahusay pa ang kalidad ng kanilang pagtuturo bukod pa sa magagamit din nila ang naturang gadgets sa kanilang pagre-research para sa kanilang mga lessons.

Nanawagan naman ang NCGP sa host community na ingatan ang kanilang transmission facilities at iwasan ang pagsusunog ng mga dayami dahil nakakaapekto ito sa daloy ng kuryente na posibleng magdulot ng biglaang pagkawala ng supply ng kuryente. 

Article Tags:
·
Article Categories:
Education

Comments are closed.

Shares