Sa ika-4 na taong anibersaryo ng Bahay Pagbabago na ginanap noong ika-8 ng Oktubre, pinapurihan ni Gov. Abet Garcia ang mga reformists sa
kanilang desisyon na baguhin ang takbo ng kanilang buhay, at sana ayon pa sa gobernador ay samantalahin nila ang ibinibigay na tulong at programa ng gobyerno at iba pang mga ahensya para mahasa ang kanilang kakayahan at maging tulay ito sa kanilang pagkakaroon ng trabaho at makabalik sa normal na pamumuhay.
Sa kasalukuyan, umabot sa 9,347 ang mga sumukong drug dependents sa ating kapulisan at nasa 5, 572 naman ang naka-graduate na sa ating recovery and wellness program at mayroon pang 494 na naka-enroll sa mga Bahay Pagbabago sa iba’t ibang munisipyo at isang lungsod ng lalawigan.
Pinapurihan at pinasalamatan din ni Gob. Abet ang mga barangay ng Panilao at Wakas South sa Pilar, Palili at East Daang Bago sa Samal na nabigyan ng tig limampung libong piso dahil nasunod nila ang mga requirements ng 1Bataan Seal of Healthy Barangay Challenge.
Hindi umano siya nanghihinayang sa malaking halaga sakaling mabigyan ang 237 barangay sa buong lalawigan dahil sulit na sulit umano ito sapagkat
mararamdaman ng ating mga kababayan ang maayos, matahimik at masaganang buhay.