banner

Historical symposium, matagumpay na idinaos

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Matagumpay ang Bataan Historical Symposium na dinaluhan ng mga guro mula sa iba’t ibang bayan ng Bataan na ginanap sa ikalawang araw ng pagdiriwang ng ika-262 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Bataan sa Bataan Peoples Center.
Pinangunahan nina First District Congresswoman Geraldine Roman at Dr. Cornelio Bascara isang propesor sa UST na tubong Mabatang, Abucay ang pagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga nangyari noong panahon ng mga Kastila hanggang sa panahon ng mga Hapon at Amerikano taong 1587 hanggang 1900.
Ayon kay Dr. Bascara, itinatag ang Bataan para maging Lalawigan noong Enero 11, 1757 sa pamamagitan ni Gobernador Heneral Pedro Manuel de Arandia. Ipinahayag pa ng Propesor na ang mga unang nanirahan sa Bataan ay ang mga Aeta. Inisa-isa din ni Dr. Bascara ang pamamalakad ng mga banyagang dumating at sumakop sa atin partikulat na ang mga Kastila, Hapon at Amerikano.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Cong. Roman sa isang press conference ang kanyang balak na magtayo ng isang museo sa lalawigan para dito makita ng lahat lalo na ng mga kabataan ang ating kasaysayan, kultura pati na mga sinaunang kaugalian.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares