banner

Huling proyekto sa termino ni Mayor Concepcion, binuksan

Written by
  • Zeny S.
  • 5 years ago

MARIVELES, Bataan – Pinangunahan ni Gob. Abet Garcia at Cong. Joet Garcia ang pagpapasinaya sa dalawang (2) mahahalagang proyekto sa bayang ito, ang pagbubukas ng makabagong Mariveles Command Center at One-Stop-Shop.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Concepcion na ang Command Center na may hi-tech surveillance PTZ camera na pwedeng mag zoom ng 37X na kauna unahan sa Pilipinas ay may koordinasyon sa Metro Bataan Development Authority (MBDA). Ito ay hindi lamang malaking tulong para malaman ang pagbubuhol ng trapiko, aksidente sa daan o maging sa ibang lugar, ito ay magagamit din sa pagsugpo ng krimen gayundin sa oras ng kalamidad, lalo na sa pagmomonitor ng baha at pagrerescue.

Naging emosyonal si Gob. Abet sa kanyang mensahe nang sabihin niya na, “namiss ko kayong lahat” na tinumbasan naman ng malakas na palakpakan at hiyawan ng mga tao.

Pinuri ni Gov. Abet Garcia ang dalawang malalaking proyektong ito ni Mayor Concepcion sa pagsasabing isa ang one-stop-shop sa mabisang paraan sa “ease of doing budiness” lalo pa’t napakaraming negosyante sa bayan ng Mariveles, na nagbigay daan ayon pa sa gobernador na tumaas ng 400% ang kanilang local taxes samantalang ang Command Center naman umano ay nagbibigay kapanatagan sa mga mamamayan na alam nilang may nagmo monitor at nagbabantay sa kanilang seguridad.

Samantala sinabi naman ni Cong Joet Garcia na mahalagang bagay ang pagkakaroon ng cctv camera sa ibat-ibang lugar dahil ito ay deterrent o malaking handlang sa mga nais gumawa ng krimen dahil alam nilang positibo silang makikilala, kung kaya’t sa ibang bansa umano ay bumaba ang datos ng krimen.

Pinapurihan at pinasalamatan ng magkapatid na Garcia ang mahusay na performance ni Mayor AJ Concepcion at ng buong sangguniang bayan .

Article Tags:
·
Article Categories:
Peace & Order

Comments are closed.

Shares