HealthNewsPeace & OrderSocial Welfare

Ibayong pag-iingat, ipinatutupad sa palengke ng Balanga

0

Ilan sa mga paraang ipinatutupad sa palengke ng Balanga upang maiwasan ang pagkalat ng COVID 19, ay ang pagtatalaga ni Mayor Francis Garcia ng mga City Marshalls at Traffic Enforcers kasama ang mga kawani ng City Health Office upang kunin ang body temperature ng mga mamimili, gamit ang thermal gun. Tatlo lamang sa mga lagusan papasok ng palengke ang binuksan kung saan nakatalaga ang mga nasabing kawani na may dalang alcohol para sa kamay ng mga mamimiling pumapasok sa palengke. Sarado ang karamihan sa mga pwesto sa dry goods section gaya ng tindahan ng damit, cellphone at repair shops.

?????? ?? ???????????? ?? ??? ???????????

Previous article

Balanga policemen, CPSO personnel present in city key areas

Next article

You may also like

Comments

Comments are closed.

More in Health