banner

Karagdagang silid-aralan, magagamit na sa Hunyo

Written by
  • Jonie L. C.
  • 5 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Minabuti ni Mayor Francis Garcia at mga bumubuo ng Sangguniang Panlungsod na bigyang prayoridad ang pagpapatayo ng karagdagang 2 Storey – 4 Classroom Building dahil sa patuloy na lumalaking bilang ng mga mag-aaral sa Barangay Central ng lungsod na ito.

Ayon pa kay Mayor Garcia, itutuloy nila nina Bataan Governor Albert Garcia at 2nd District Representative Jose Enrique Garcia lll ang pangunahing programa ng kanilang yumaong ama na si dating 2nd District Congressman Enrique Tet Garcia na mabigyan ng sapat at maayos paaralan ang mga estudyante hindi lamang sa Lungsod ng Balanga kung hindi maging sa buong lalawigan ng Bataan.

Ipinahayag din ni Mayor Gacia na mga paaralan sa tatlong (3) barangay ang makikinabang sa nasabing programa, ito ay ang Cupang Elementary School, Central Elementary School at Tuyo Elementary School. Ang pondong ginamit dito ay nagmula sa Special Education Fund (SEF).

Samantala sinabi ni Ms. Josie Manabat, na nakatalaga sa tanggapan ni G. Ramil Cobales, Principal l ng Central Elementary School na magagamit na ng Grade-lll at Grade lV ang mga nasabing silid-aralan sa darating na pasukan sa Hunyo.

Ang Central Elementary School ay mayroong 586 na mag-aaral mula kinder hanggang Grade Vl na pinapatnubayan ng 15 guro.

Kaugnay nito, pinasalamatan ng mga guro ng nasabing paaralan ang malasakit at malaking tulong ng Pamahalaang Panlungsod sa mangunguna ni Mayor Francis Garcia.

Article Tags:
·
Article Categories:
Education · News

Comments are closed.

Shares