banner

“Magbasa, Mag-share, Ma-challenge” sa Buwan ng Pagbabasa

Written by
  • Zeny S.
  • 2 years ago

Ito ang tema ng programa ng Filipino Department ng Bataan National High School sa pagdaraos ng Buwan ng Pagbabasa sa pamamagitan ng paligsahan sa Interpretatibong Pagbasa sa mga grades 7, 8, 9 at 10 ngayong buwan ng Nobyembre.

Ayon kay Gng. Marcela Sanchez, Head ng Filipino Dept., ninais nilang magkaroon ng mga ganitong programa para manumbalik sa ating mga kabataang mag aaral ang interes sa pagbabasa, na diumano ay inaagaw ang atensyon ng mga gadgets. Ang nasabing paligsahan ay nilahukan ng apat na grupo mula sa mga mag aaral sa grades 7, 8, 9 at 10.

Tunay na nakakaaliw pala ayon sa mga huradong sina GPTA Pres. Zenaida Soriano, GPTA Vice Pres Ed Timbol at mga guro ang ipinamalas na sabayang pagbabasa ng grupo ng mga mag aaral.
Ipinakita rin ni Gng. Sanchez ang reading corner ng Filipino Dept. na ayon pa sa kanya ay nangangailangan ng dagdag na libro at iba pang artikulong mga babasahin para hikayatin pa ang mga mag aaral na magbasa.

Samanrala sinabi ng mga mag aaral na malaking tulong sa kanila ang pagbabasa hindi lamang para sa kanilang asignatura kundi isa ring pamamaraan na malibot ang kagandahan ng ating bansa at iba pang lugar na malakbay ito sa pamamagitan ng pagbabasa.

Article Tags:
·
Article Categories:
Education · News

Comments are closed.

Shares