banner

Maraming imahen ng Sto. Nino ipinrusisyun sa Samal

Written by
  • Perla E.
  • 7 years ago

SAMAL, Bataan – Hindi nagpahuli ang mga Aglipay o mananampalatayang kabilang sa Iglesia Filipina Independiente (IFI) sa Samal sa pagbibigay-pugay sa Sto. Nino nitong Linggo ng hapon.

Nagsagawa si Fr. Jaime Enriquez, kura paroko ng IFI, ng isang Banal na Misa sa Tabing-Ilog, isang barangay ng mga mangingisda sa Samal. Pagkatapos ay binindisyunan ng pari ang napakaraming Imahen ng Sto. Nino.

Bago magtakip-silim ay sinimulan ang mahabang prusisyon na nagsimula sa fishport ng Tabing-Ilog. Sari-saring laki at bihis ng mga Imahen na ang karamihan ay dala ng mga deboto. Ang iba naman ay sakay ng tricycle, sidecar hila ng bisekleta at andas.

Isang grupo ng mga kabataan ang masayang sumayaw sa himig ng tugtugin mula sa isang sound system na karga ng isang sasakyan. Ang ilan ay hawak na nakataas ang Imahen ng Sto. Nino habang umiindak.

Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares