IKA-117 TAONG PAGGUNITA SA PAGPAPAHAYAG IKA-117 TAONG PAGGUNITA SA PAGPAPAHAYAG NG KASARINLAN NG PILIPINAS
Ika-11 ng Hunyo 2015 / Ika-6:00 n.u. / Plaza Mayor de Balanga
-Mensahe ni Kgg. Jose Enrique S. Garcia III-
Source: Philippine Information Agency-Bataan
Magandang umaga po sa ating lahat…
Halos walong taon na rin po akong tumatayo sa inyong harapan sa tuwing sasapit ang Araw ng Kalayaan. At halos ang tema ng aking mga nakaraang mensahe ay patungkol sa pag-gunita sa nakaraan.
Ngayon, sa pagdiriwang ng ika-117 taong paggunita sa kasarinlan ng ating bansa, hayaan po ninyong hawiin natin ang madilim na kahapon para sa isang
maliwanag na ngayon… ang konserbatibong lipunan para sa isang liberal na pamayanan… ang kiming mamamayan para sa isang mapangahas na sambayanan… at mga alipin ng dayuhan para sa isang taas-noong Pilipino!
Ang lahat po ng ito ay hindi natin natamo sa isang iglap lamang, bagkus ito ay sinimulan sa pagbabago – pagbabago mula pa sa panahon ng mga Kastila
hanggang sa kasalukuyang “Balanga University Town”. Kaya’t totoo po ang kasabihang “the only permanent thing in this world is CHANGE”. Sa pinto ng
pagsubok ng pagbabago, “champion” ang Pilipino, higit sa lahat ang Balangueno!
Pinoy ang nagtapos ng pagsasanib ng pamahalaan at simbahan. Sa tulong ni Tomas del Rosario, nagkaroon ng “separation of church and state”.
Balangueno rin ang nagpamulat na hindi basehan ang pagiging bata upang makapaglingkod at tanghaling bayani – si Oscar Jocson!
At mula sa Pto. Rivas naman ang nagpakinang sa literatura at pagsulat sa katauhan ni Maximino Delos Reyes!
Sila po ang mga simbulo ng pagbabago sa iba’t-ibang larangan, pamamaraan at panahon.
At sino nga po ba ang makakalimot sa mga nalugmok na bayani noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig o World War II. Patuloy po ang pagbabaong kanilang nais makamit sa gitna ng kasalatan sa Martsa ng Kamatayan o Death Sa kabuuan, ang lahat po ng ito ay nagbunga ng pagpapala o tagumpay sapagkat ang adhikain ay dakila! Subalit ang pinakamagandang aral mula dito ay pagsisimula at pagtaya’. Kailangang may tumaya’… kailangang may magsimula upang ang pagbabago ay manatiling buhay sa lahat ng panahon!
Sa ating makabagong panahon, ang lahat po ay hinihimok na maging sandata ng pagbabago. Tapikin po natin ang balikat ng ating katabi at sabihing “ako ang pagbabago… mag bago ka na!” (optional)
Sa ngayon, gawin po nating insperasyon ang mga pagbabagong nasimulan ng ating mga bayani tungo sa isang “lunsgsod na kikilalaning simula ng mga negosyo na bunga ng karunungan o knowledge-based businesses”.
Marami na rin po sa atin ang tumataya’ at patuloy na pinauunlad ang pagbabagong ipinama sa atin, tulad nina Mark Colentava, Ate Amanda, Paulo Tibig, Doy Vea, Juanchito Dispo, Gerry Acuzar, mga EDUCHILD parents, mga no-smoking volunteers at iba pa.
Dahil dito, hindi ko lang po masasabi na ang tagumpay natin ay abot-kamay lamang, bagkus ang tagumpay na ito ay nasa ating mga kamay na!
Alagaan, pagyamanin, payabungin, ipasa at ipagmalaki natin! Bago po ako magtapos, muli po nating buhayin ang palasak na kasabihang “sa pagbabago, kailangang may magsimula”.
Kung hindi ako, sino?
Kung hindi ngayon kalian pa?
Wala po sa katabi ang pagbabago… wala kay tatay, kay nanay o sa pamahalaan man. Ang pagbabago ay nasa ating mga sarili upang mapasakamay ang inaasam na tagumpay.
Sa karera ng buhay, wala pong maiiwan sa bayang yumayakap sa Magandang buhay po sa ating lahat at maligayang Araw ng Kalayan!