LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Tapos na ang mga daan palabas ng kapitolyo para masolusyunan ang mabigat na trapik dahil sa dami ng mga sasakyan lalo na sa umaga at hapon sa kahabaan ng Capitol Rd. Lungsod ng Balanga.
Sa nakaraang ulat ni Provincial Engineer Ric Yuzon pinamamadali ni Bataan Governor Albert Garcia na matapos ang mga binuksang daan mula sa Capitolyo palabas ng highway dahil malaking tulong ito sa publiko.
Sinabi rin ni Engr. Yuzon na kompleto na ang concreting ng 2 way lane ng daan mula sa may DepEd palabas ng Camp Tolentino Headquarters hanggang sa Jollibee gayun din ang kalsada dito sa Peoples Center tagos sa Barrio Intsik.
Isa lamang ito sa mga priority projects ng administrasyon nina 2nd District Congresman Joet Garcia, Governor Abet Garcia at Balanga City Mayor Francis Garcia bilang paghahanda sa pagpasok ng mga investors sa loob ng Kapitolyo at sa Lungsod ng Balanga.