banner

Mga Bataeño, mapapalad

Written by
  • Jonie L. C.
  • 3 years ago

Mapalad ang mga taga Bataan dahil kabi-kabila ang isinagawang groundbreaking, pasinaya at turn-over ceremony para sa mga proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gob. Albert Garcia kasama sina 2nd District Congressman Joet Garcia, Vice-Governor Cris Garcia at iba pang mga opisyal ng pamahalaan sa loob ng tatlong araw sa ibat ibang lugar sa lalawigan.

Kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Gob. Abet noong Pebreto 1 ang Groundbreaking para sa 1Bataan Village sa Barangay Daang Pare Orion, na itatayo sa 11 ektaryang lupain para sa mahigit 2,000 pamilya na biktima ng sunog sa Sitio Depensa Barangay Capunitan noong nakaraang taon.

Kasunod nito ang pagpapasinaya sa 4 storey building na ipinangalan kay Justice Emilio Angeles Gancayco Memorial High School-Annex sa natura ding lugar.
Pinasinayaan din ang 1BATAAN Integrated Training Center na nasa 1Bataan Command Center sa Orani nitong February 6, kung saan naging panauhing Pandangal si Senator Joel Villanueva.

Magkasunod din ang isinagawang turn-over ceremony sa 100 units para sa mga pamilyang nakatira malapit sa baybayin ng Manila Bay kasama slna NHA Regional Director Engr. Araceli Natino at mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan.

Kasunod nito ang groundbreaking ceremony para sa 3 palapag na gusali sa Mariveles Heights, Barangay Cabcaben nitong February 7.
At panghuli ang groundbreaking ceremony sa Barangay Tenejero Balanga City para sa mga itatayong tirahan para sa mga pamilyang nakatira malapit sa ilog ng Tenejero.

Article Categories:
Infrastructure · News

Comments are closed.

Shares