banner

Mga natatanging magsasaka, ginawaran ng pagkilala

Written by
  • Jonie L. C.
  • 3 years ago

Nagbunga ng maganda ang ipinamahaging mga buto ng City Agriculture Office noong pasimula ng pandemya dulot ng COVID-19. Ayon kay Balanga City Agriculturist at City Environment Office head Nerissa Mateo, pumili ang kanilang tanggapan ng isang tao sa barangay na napagyaman ang kanyang bukirin upang bigyan ng pagkilala. Ito ay ang Featured Farmer of the Week na programa ng Pamahalaang Panlungsod sa pamumuno nina City Mayor Francis Garcia at Sangguniang Panlungsod sa pangunguna Vice-Mayor Vianca Gozon na naglalayong mahikayat ang lahat ng Balangeño na magtanim sa kani-kanilang bakuran maging sa kanilang bukid. Idinagdag pa ni Ms. Mateo na layon ng programang ito na makasiguro na may abot-kamay na pagkain sa kanilang lugar na hindi na kailangan pang bilhin sa palengke. Layunin din umano ng programa na makapaghatid ng ligtas at masustansiyang pagkain para sa lahat at mapaigting ang pagmamahal at pangangalaga sa ating kaligtasan. Inilunsad ng Pamahalaang Panlungsod ang naturang programa noong ika-25 ng Mayo, 2020 kung saan 12 natatanging magsasaka ang ginawaran na ng pagkilala mula sa iba’t ibang barangay. Ang pagbibigay ng insentibo ay ginaganap tuwing araw ng Lunes at inihahatid sa tahanan ng awardee kasunod ang sorpresang mga papremyo buhat sa mga opisyal ng Pamahalaang Panlungsod.

Article Tags:
Article Categories:
Agriculture · Featured · News

Comments are closed.

Shares