banner

Illegal loggers sinampahan ng kaso

Written by
  • Jose Mari M. G.
  • 8 years ago

PIA-3/BATAAN: Siyam na illegal logger ang nasampahan ng kaso sa tulong ng DENR-Bataan mula Enero hanggang Mayo ngayong taon bilang bunga ng kanilang maigting na pangangalaga sa kagubatan. Sa isang panayam ngayong umaga sa programang One Bataan Live On Air sa Poweradio 104.7 fm, sinabi ni DENR-Bataan chief Fred Sadueste na may ilang kaso ng timber poaching sa kagubatan sa pagitan ng mga bayan ng Bagac at Mariveles. Dahil dito, patuloy ang pagpapatupad ng DENR ng Executive Order 23 o ang pagpapatigil ng pamumutol ng timber sa natural forests at paglikha ng Anti-Illegal Logging Task Force.

Article Tags:
·
Article Categories:
Environment

Comments are closed.

Shares