ONE BATAAN SEAL OF HEALTHY BARANGAY, INILUNSAD

Bibigyan ng Pamahalaang Panlalawigan ng gantimpala na halagang P50,000 ang bawat barangay na makasusunod sa mga itinakdang alituntunin hinggil sa pagsusulong ng programang “ONE BATAAN SEAL OF HEALTHY BARANGAY” na inilunsad noong ika-18 ng Hulyo sa Lou-Is Resort and Restaurant, Lungsod ng Balanga.

Ayon kay Gob. Abet kinakailangan umanong masunod ng mga punong barangay ang walong alituntunin na kaugnay ng nasabing programa.
Ilan sa mga dapat palaganapin ng mga kapitan sa kani-kanilang mga barangay ay ang mga sumusunod; zero Dengue case, zero maternal mother and infant mortality, complete information or data on diabetes, hypertension, immunization, voluntary blood donation, at drug free ang barangay.
Sinabi pa ni Gob. Abet na bilang mga lingkod bayan ay kinakailangang gawin ito para sa ating mga kababayan, mayroon man o walang insentibo, para madugtungan ang kanilang buhay.