AgricultureNews

Pagpasok at paglabas ng mga karne ng baboy sa Lungsod ng Balanga, tinatanuran

0

Mahigpit pa ring tinatanuran ng mga tauhan ng Office of the City Veterinarian ang Pamilihang Panglunsod at mga backyard piggery upang manatiling ASF free ang Lungsod.

Ayon kay Balanga City Veterinarian Billy Samson, naglagay na rin sila ng mga checkpoints sa mga lugar na maaaring pasukan ng mga traders patungong palengke.
“Maraming beses na kaming nakahuli ng mga traders ng karneng baboy patungong palengke na hindi namin pinayagang pumasok lalo na at walang pinanghahawakang permit”, pahayag pa ni Samson.

Sa kasalukuyan ay binabantayan nila ang mga backyard pigerry sa Barangay Pto. Rivas at Munting Batangas.
Ang ikinatatakot lang nila sa ngayon ay ang pagbili ng murang karne ng baboy sa labas ng Bataan, ng mga may-ari ng karenderya, restaurant at iba pang mga kainan sa loob ng Lungsod.

AFAB expansion leads industrialization of Bataan

Previous article

Kasalang bayan sa Araw ng mga Puso

Next article

You may also like

Comments

Comments are closed.

More in Agriculture