Alamat ng Bataan
Ayon sa mga halos nagkakaparehong kuwento nina Victor de Leon, Mauricio Q. Pizarro at Rev. Fr. Wilfredo C. Paguio, may tatlo umanong bersyon kung bakit tinawag na “Bataan” ang Bataan.
Unang bersyon
Ang pangalan ng Bataan ang nanggaling umano sa salitang “Vatan” na pangalan ng isang sinaunang “datu” na naghari sa lalawigan noong hindi pa dumarating ang mga Kastila sa Pilipinas. Binanggit pa sa “Balik-Tanaw” na kilala na ang lalawigan sa gayong pangalan noong tumapak sa lalawigan si Padre Sebastian de Baesa noong 1578.”
Ikalawang bersyon
Nanggaling umano ang pangalan ng Bataan sa salitang “Bata.” May tatlo umano itong kahulugan sa salitang Kastila: Bata (Nino); Muchacho (Utusan); at Rapaz (Mersenaryo).
Ang salitang ‘Bata’ ay kasingkahulugan daw ng pagiging isang bagong probinsya ng Bataan matapos itong mahiwalay sa Pampanga noong 1754. Ang ‘Muchacho’ umano ay ang tawag sa may 3,500 Moro na naging “katulong” ng mga Kastila at Pampagueño sa paglilinang sa kapatagan ng Bataan noong araw, batay sa ulat ni Gobernador-Heneral Manuel Arandia noong 1754 (taon na natatag ang Bataan bilang isang malaya at regular na probinsya); at ang salitang ‘Rapaz’ ay mga mersenaryo, o upahang mandirigma, na lumaban sa mga pirata na nanalakay sa Bataan noong araw.
Ikatlong bersyon
Ang pangalan ng Bataan ay hinango umano sa salitang Tagalog na “Butaan,” na ang kahulugan sa Inglis ay “monitor lizard.”Ang hayop na ito ay mas kilala ng mga Pilipino sa tawag na ‘bayawak’. “Dati-rati umano ay nagkalat ang mga bayawak sa Bataan. Ang nasabing hayop ay makikita pa rin hanggang sa ngayon sa mga bulubundukin ng Bataan at Zambales, Bicol Region, Laguna at Rizal.
Simula ng Bataan
Ano nga ba ang tunay na pinagmulan ng pangalan ng Bataan? Ang kasagutan sa tanong ay ibatay natin sa isang lumang dokumento na natipon ng Dazenroches Press. Ito ay may kinalaman sa mga itinatag na ‘encomienda’ sa Pilipinas simula noong Nobyembre 14, 1571. Nalathala din ito sa aklat na “Balik-tanaw (1987): “…Hernan de Lopez, 19 pueblos de provincial de Bataan delante del rio de Luvao dela habia de Kanila; Juan Esguerra, la encomienda de Batan, tendra mil tributantes que sera cuatro mil almas; y en ella convento de dominicos y administera justicia un tiniente.”
Sa isang pagsasalin sa wikang Pilipino, ang ‘Batan’ay ang unang pangalan ng lalawigan ng Bataan at ito ay isangencomienda (lupain) na nasa ilalim ng pamamahala ni (Tenyente) Juan Esguerra.
Sa isang masusing pananaliksik ay lumitaw na si Juan Esguerra ay isang opisyal na Kastila na may ranggong tenyente na nakarating sa Pilipinas noong 1571. Siya ay nakasama nina Miguel Lopez de Legazpi at Heneral Juan de Salcedo sa pagsakop sa Mindoro, Maynila, Bulakan at Pampanga simula noong 1572.
Habang sinasakop pa ng mga Kastila ang mga rehiyon sa Ilokos, Cordillera at Cagayan, ay minabuti ni Legazpi na mag-iwan ng mga piling tauhan sa mga nasakop nang lalawigan para mapangalagaan ang katiwasayan ng mga nasabing lugar. At si Esguerra nga, na naglingkod nang tapat sa hukbo ni Legazpi at Heneral Salcedo, ang natalagang mamatnubay sa Bataan (na noon ay bahagi pa ng Pampanga). Pagkamatay ni Miguel Lopez de Legaspi noong 1572, ang kanyang apo na si Heneral Juan Salcedo ang namahala sa Maynila at iba pang panig ng Luzon. Siya rin ang nagtatag ng sistema ng encomienda at naging unang encomendero sa Pilipinas.
Hindi nagtagal, ang malaking bahagi ng Betis at Lubao, Pampanga, ay naging encomienda na ang malaking bahagi ng kinikita mula sa mga buwis ng mga tao ay ibinabayad sa gobyernong Kastila na nasa Mexico, sa Timog-Amerika. Hindi naglaon, ang Bataan ay naging isang encomienda de particular na ang buwis na ibinabayad ng tao ay napupunta sa pamahalaang Kastila na nasa Maynila.
Partido de Batan
Si Esguerra, ang kauna-unahang encomendero ng Bataan, ay napag-alamang binigyan ng katungkulan na mangalaga sa katahimikan ng lugar, tumulong sa mga misyonaryo sa pagpapalaganap ng Kristianismo, at magtakda ng buwis sa mga tao. Siya rin ang unang nagbigay ng pangalan sa lalawigan: Partido de (Juan Esguerra) Batan.
Ang salitang ‘Batan’ ay tumutukoy sa isang komunidad sa Espanya kung saan ipinanganak at lumaki si Juan Esguerra. Ang Batan ay isang lumang pamayanan na malapit lamang sa Madrid, Espanya. Karaniwan na, ang mga Kastila ay gumagamit ng pangalan na kasama ang pangalan ng kanilang bayan – gaya halimbawa nina Diego Jorge de Villalobos de Lisbon, Padre Andres de Urdaneta at Juan Sebastian del Cano. Ang Lisbon, Urdaneta at Cano, gaya ng alam ng marami, ay pangalan ng mga tukoy na lugar sa Espanya magmula noon at hanggang sa ngayon.
Sa tulong ni Juan Esguerra ay naitatag ng mga paring Dominikano ang mga bayan ng Abucay at Samal. Subalit napatalsik din si Esguerra mula sa lalawigan dahil sa sumbong na pagsasamantala sa kanyang katungkulan. Ngunit hindi na binago ng mga sumunod na encomendero sa lalawigan ang pangalan ng Bataan. Iniklian na lamang ito at ginawang ‘Partido de Batan’(hindi ‘Partido de Bataan gaya ng inilathala sa mga unang aklat ukol sa Bataan). Binago lamang at ginawang Bataan ang pangalan ng lalawigan noong 1754 kung kailan nagsarili bilang isang probinsya ang Bataan, hiwalay sa Pampanga.
Gamit ang lohika, ang dating Partido de Batan ay naging Partido de Bataan matapos na maitatag bilang mga probinsya ang mga dating “Partido de Batan” sa Batanes at “Partido de Batan” sa isla ng Batan na parehong nasa hilagang Luzon. Ang tatlong lalawigan (Bataan, Batan at Batanes) ay mga unang encomienda ni Tenyente Juan Esguerra at pare-parehong isinailalim sa ministrasyon ng Dominican Order. Ang mga pari na mismo, humigit-kumulang, ang nagbigay ng magkakaibang pangalan sa tatlong lugar para sa kanilang madaling pagkakakilanlan.
Ang Simula ng Bataan na inyong natunghayan ay maaari pa ring mabago, ituwid at dagdagan sa mga susunod na panahon.
Bataan Congressmen (1907-2016)
| Jose Lerma | Pilar | 1907-1909 |
| Tomas del Rosario | Balanga | 1909-1912 |
| Pablo Tecson | Balanga | 1912-1916 |
| Maximinodelos Reyes | Balanga | 1916-1919 |
| Maximinodelos Reyes | Balanga | 1919-1922 |
| Antonio Llamas | Mariveles | 1922-1925 |
| Manuel Banzon | Balanga | 1925-1928 |
| Teodoro Camacho Sr. | Balanga | 1928-1931 |
| Fortunato de Leon | Orion | 1931-1934 |
| Teodoro Camacho Sr. | Balanga | 1934-1935 |
| Teodoro Camacho Sr. | Balanga | 1935-1938 |
| Teodoro Camacho Sr. | Balanga | 1938-1941 |
| Antonio Llamas | Mariveles | 1941-1942 |
World War II abolished Congress (1942-1946). The National Assembly was convened (1943-1944)
| Antonio Llamas | Mariveles | 1943-1944 |
| Antonio Llamas | Mariveles | 1945-1946 |
The Third Philippine Republic was established in 1946.
| Bonifacio Camacho | Abucay | 1946-1949 |
| Medina Lacson de Leon | Balanga | 1949-1953 |
| Jose R. Nuguid | Orani | 1954-1957 |
| Jose R. Nuguid | Orani | 1958-1961 |
| Jose R. Nuguid | Orani | 1962-1965 |
| Pablo R. Roman | Pilar | 1966-1969 |
| Pablo R. Roman | Pilar | 1970-1972 |
As of January 17, 1973, the 1973 Constitution took effect. President Ferdinand Marcos ruled under Martial Law. The Interim BatasanPambansa was convened in 1978.
| Antonino Roman Jr. | Orani | 1978-1984 |
The Regular BatasanPambansa was convened in 1984.
| Antonino Roman Jr. | Orani | 1978-1984 |
Cory Aquino came to power in 1986. Bataan became two congressional districts in 1987.
| FelicitoPayumo | Dinalupihan | 1987-1992 |
| Enrique Garcia | Balanga | 1987-1992 |
| FelicitoPayumo | Dinalupihan | 1992-1995 |
| DominadorVenegas | Orion | 1992-1995 |
| FelicitoPayumo | Dinalupihan | 1995-1998 |
| Enrique Garcia | Balanga | 1995-1998 |
| Antonino Roman | Orani | 1998-2001 |
| Enrique Garcia | Balanga | 1998-2001 |
| Antonino Roman | Orani | 2001-2004 |
| Enrique Garcia | Balanga | 2001-2004 |
| Antonino Roman | Orani | 2004-2007 |
| Albert S. Garcia | Balanga | 2004-2007 |
| Herminia Roman | Orani | 2007-2010 |
| Albert S. Garcia | Balanga | 2007-2010 |
| Herminia Roman | Orani | 2010-2013 |
| Albert S. Garcia | Balanga | 2010-2013 |
| Herminia Roman | Orani | 2013-2016 |
| Enrique Garcia Jr. | Balanga | 2013-2016 |