Proyekto sa 8 barangay sa Balanga, tapos na!

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan –  Ayon kay City Planning Division Head Engr. Jesus Mangalindan Jr. umabot sa mahigit P8 milyon ang halaga ng mga proyektong pinondohan ng Lungsod sa ilalim ng pamumuno ni City Mayor Francis Garcia na hinugot sa 20 percent Development Fund.

Ang mga priority projects na ibinigay ng mga barangay sa tanggapan ng City Engineer  ay ang construction of multi-purpose building (extension) sa Barangay Bagong Silang; construction of drainage system sa Barangay Camacho; improvement of multi-purpose cacilities sa Barangay Central; construction of drainage system sa Barangay Cupang West; fabrication/installation of steel grating sa Barangay Malabia; upgrading of multi-purpose facilities sa Barangay Pto. Rivas Itaas; upgrading of multi-purpose facilities sa Barangay Talisay at improvement of multi-purpose building (covered court) sa Barangay Ibayo.

Ipinahayag ni Engr. Mangalindan Jr. ang mga proyektong nabanggit ay hinabol na matapos nitong buwan ng December 2016.

Ayon naman sa Ingat-yaman ng Lungsod, napaglaanan ng pamahalaang panlungsod ng pondo ang mga prayoridad na proyekto sa nabanggit na walong barangay  sa Lungsod dahil sa pagtaas ng koleksyon nitong 2016.