Naging emosyonal ang mga magsasaka nang sabihin nila ang kanilang mga hinaing kay Senadora Imee Marcos nang maging panauhin ito sa bayan ng Hermosa sa paanyaya ni Cong. Geraldine Roman.
Sumentro ang talakayan sa mga problema sa lupa na nakabinbin pa sa korte, at mababang presyo ng palay dahil sa pagdagsa ng imported rice at rice tarrification law.
Isa sa mga solusyon, ayon kay Senadora Imee Marcos ay ang ituloy lang umano ang pagtatanim ng high value crop at pansamantala upang maibsan ang problema ay magbibigay siya ng libreng binhi at fertilizers sa mga magsasaka, ayon pa sa kanya, handa siyang tumulong at gawan ng paraan ang mga problema sa agrikultura.