Siyam na dakilang umaga sa bayan ng Samal

Sa turnover ceremony ni Mayor Gene dela Fuente sa bagong – halal na mayor na si Mayor Aida Macalinao, na may temang, “Greatness: Siyam na dakilang umaga sa bayan ng Samal” ay sinariwa nila ang mahahalagang pagbabagong naganap at nagbigay liwanag sa bayan ng Samal sa sektor ng Administrative Governance, Economic Governance, Environmental Governance at Social Governance.

Ang bawat sektor ay nagpatunay ng kanilang progreso at pagbabago sa loob ng 9-na taon sa termino ni Mayor Gene na nakatuon sa paglago at pag angat ng pamumuhay ng bawat mamamayan na pinakilos ng iisang pananaw tungo sa isang maliwanag na kinabukasan. Ayon pa sa kanila, “under the administration of Mayor Gene, they were able to promote the discipline of transparency that intensifies participatory governance backed up with an effective legislation”.

Kung noon ayon pa sa treasurer ng bayan ng Samal na ang income lamang ng munisipyo ay 63M ngayon ay umaabot na umano ito sa 188M na pondo, at mula sa 4th class municipality ang bayan ng Samal ay umangat sa pagiging 1st class municipality.

Sa bahagi ng Environmental Governance pinatunayan sa testimonya ni Atty. Beulah Coeli Fiel na, una nilang naging kliyente sa Hermosa Sanitary Landfill ang bayan ng Samal at hinangaan niya ang galing ng liderato ni Mayor Gene dahil hindi sila nahirapan na ipaliwanag ang tungkol sa waste segregation dahil ayon pa sa kanya bago pa man magkaroon ng krisis ang ibang bayan ay nagpapatupad na ang Samal ng waste segregation. Kung kaya’t nagbigay ng award ang Econest Waste Mgmt ng Econest Eco-political Will Award of the year dahil sa 100% consistent na segregated ang pagtatapon nila ng basura.

Samantalang sa Social Governance ay binigyan ng mahalagang puntos ang pagkakaroon ng maayos na kalusugan ang bawat Samalenyo, buhay na may kalidad to end poverty na nakatuon sa programang G. E. N. E. helps na nag aalay sa kanila ng matatag, maginhawa at panatag na buhay.

Samantala, nagpasalamat si Mayor- elect Aida Macalinao kay Mayor Gene na nakasama niya ng 9 na taon sa kanilang magagandang programa at proyekto sa bayan at nangakong itutuloy ito at dadagdagan pa para sa higit na pag unlad ng kanilang bayan.